tim-waid-matteo-sarah-at-jericho-ejercito-copy

INI-ENJOY ni Sarah Geronimo ang kanyang pamamahinga sa showbiz. Sunud-sunod ang photos na kuha sa kanila ni Matteo Guidicelli habang nagha-hiking, diving at pati na ang pag-aaral niya ng culinary arts.

Kamakailan, may mga naglabasan namang larawan nila na kuha raw sa shooting ng ginawang pelikula ng aktor. Kinumpirma naman agad sa amin ng isang taong malapit kay Matteo na dinalaw nga ni Sarah si Matteo sa shooting ng ginagawa nitong movie na Across The Crescent Moon.

Ang nasabing larawan ng magkasintahan kasama si Jericho Ejercito ay kuha sa BMMF Mixed Martial Arts Center sa Parañaque at doon daw tinuturuan si Matteo ng sikat na Pekiti Tirsia Kali instructor at film conflict consultant na si Tim Waid.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Kuwento pa ng source namin, tuwang-tuwa si Sarah na may ginagawang movie ang boyfriend niya na sa kasalukuyan ay walang proyekto sa Kapamilya Network.

Nakabakasyon din si Sarah. Wala siyang ginagawa sa TV man o sa pelikula na choice naman ng Popstar Princess na gustong mag-lay–low pansamantala sa showbiz.

Samantala, muling nominated sa Sarah Geronimo sa 2016 MTV Europe Music Awards sa katerogoryang Best Southeast Asia Act. Makakalaban niya ang iba pang artists na galing sa iba’t ibang bansa na sina Dong Nhi (Vietnam), Gentle Bones (Singapore), Raisa Andriana (Indonesia), Thaitanium (Thailand) at Yuna (Malaysia).

Napagwagian nang minsan ni Sarah ang nasabing kategorya at kung sakaling siya uli ang manalo ay magiging kinatawan siyang muli sa Worldwide Act: Asia Category at makakalaban naman niya ang artists mula sa Hong Kong, China, Taiwan at Japan. (JIMI ESCALA)