Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenza sa mga mambabatas na gagamitin nila sa tama at angkop na pamamaraan ang hinihingi nilang P172.8 bilyong budget para sa 2017.

Binusisi nang husto ng House Committee on Appropriations ang panukalang P178.2 billion budget ng Department of National Defense (DND) para sa 2017.

Ipinaalam ni Lorenzana sa mga miyembro ng komite na palalakasin nito ang defense capability at patatatagin ang pambansang seguridad sa pamamagitan ng pagbili ng modernong military equipment at logistics mula sa ibang bansa.

Sa pagdinig na pinangunahan ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, vice chairman ng komite, tinalakay din ang matagal nang isyu hingggil sa AFP Modernization Program.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Dumalo rin sa pagdinig si AFP chief of staff Gen. Ricardo Visaya. (Bert de Guzman)