Hindi muna makakasagupa ni reigning International Boxing Federation (IBF) flyweight champion Johnriel Casimero ang mga higanteng kalaban tulad ni Roman “Chocolatito” Gonzales mula Nicaragua.

Ito ang sinabi ni boxing promoter Sammy Gelo-ani, na kasama si Casimero, chief trainer Jun Agrabio at cutman Aldrin Sta. Maria sa pagdalo sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa kahapon sa Shakey’s Malate.

“Right now, we are looking at how far he can hold on to his title dahil sinasabi mismo ni Johnriel na kumportable pa siya sa weight division at maidedepensiya niya ng matagal ang 112lbs crown,” sabi ni Gello-ani.

Ipinaliwanag pa ni Gello-ani na nakatuon din sila sa posibleng unification bout para sa mga korona sa World Boxing Organization (WBO) na binakante ng dating kampeon na si Juan Francisco Estrada na umakyat sa 115 lbs at pati na rin sa World Boxing Association (WBA).

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“We are allowed by the IBF for an optional defense where we can choose any fighters from ranked 1 to 15 which we are seriously considering,” sabi ni Gello-ani. “We are looking at Japan, Mexico, United States or again in London as possible venues of the fight.”

Kagagaling lamang ng 26-anyos na si Casimero sa impresibong 10-round TKo win kontra Charlie Edwards ng Britain sa 02 Arena sa London.

Bitbit ni Casimero ang record 23 panalo, tampok ang 15 knockout at may tatlong talo. (Angie Oredo)