brad-at-angelina-copy

NAGSAMPA na ng divorce si Angelina Jolie sa pagsasama nila ni Brad Pitt noong Lunes, pero ang hiwalayan ay “long time coming,” ayon sa source ng ET.

Ikinasal sina Jolie, 41, at Pitt, 52, noong Agosto 2014, pero ayon sa source, may mga pinagdadaanan nang problema ang dalawa simula noong nakaraang taon.

“They haven’t slept in the same bed for a big chunk of that,” ani source. “When they were in New York City the last time together, they had separate rooms and were on their own schedules.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Huling namataan na magkasama sina Pitt at Jolie sa New York City sa WSJ Magazine Innovator Awards noong Nobyembre 4, 2015.

Ayon sa isa pang source, naging “carefree” si Brad Pitt nitong mga nakaraang buwan. Sa kanyang pagbisita sa NYC noong Hulyo, nagkomento ang mga tao na nakatrabaho ng A-list star na “the old Brad is back,” ani source.

“... They said (that) because ‘he was back to being totally carefree and easygoing. Back to the aloof Brad,’” saad ng source. “It was a working trip but he was making the most out of his free time. He was going out to lunch, walking around. It’s almost like he didn’t care about anything. He wasn’t your classic, uptight A-list celebrity walking around with a big entourage.”

“Angelina runs a tight ship, and for years, Brad followed her orders,” dagdag ng source. “She always called the shots and he went along with it. In recent months, he hasn’t been and has been living his life how he wants to live it.”

Saad naman ng isa pang source, nahirapan din sina Jolie at Pitt pagdating sa pagpapalaki sa kanilang anim na anak - 15-year-old na si Maddox, 12-year-old na si Pax, 11-year-old na si Zahara, 10-year-old na si Shiloh, at ang 8-year-old na kambal na sina Vivienne at Knox.

“Brad has traditional parenting skills -- thinks the kids need structure (like) bed times, consistent schooling,” ayon sa source. “Angelina’s parenting style is much more freeform. She’s not into setting boundaries.”

Nitong nakaraang Setyembre 1, mag-isang nagtungo si Pitt sa Croatia at nakipagkita sa mga investor at nag-ikot sa isang real estate development.

Huli namang namataan si Jolie sa Syria noong Setyembre 12, sa ikaapat na pagbisita niya sa mga refugee camp sa Jordan simula nang magkaroon ng kaguluhan sa Syria.

Huling nakita na magkasama sina Pitt at Jolie, bago nila inihayag ang tungkol sa kanilang divorce, noong Hulyo, nang ilabas nila sina Knox at Vivienne para sa isang birthday breakfast sa Griddle Café sa West Hollywood, California.

Itinala ni Jolie ang Setyembre 15 na araw ng kanilang paghihiwalay sa kanyang divorce filing, at humihingi ng physical custody para sa kanilang anim na anak. (ET Online)