UNITED NATIONS (AP) – Tututukan sa pagpupulong ng mga lider ng mundo sa United Nations simula ngayong Lunes ang maresolba ang dalawang matinding problema -- ang pinakamalaking refugee crisis simula World War II at ang digmaan sa Syria na nasa ikaanim na taon na ngayon at mahigit 300,000 katao na ang nagbuwis ng buhay.

Sa gitna ng problema ng tumataas na ethnic at religious tensions, kabi-kabilang labanan sa Mideast at Africa, extremist attacks sa buong mundo at umiinit na planeta, marami pang isyu ang kailangang talakayin ng 135 pinuno ng estado at gobyerno at mahigit 50 minister.

Sinabi ni U.S. Ambassador Samantha Power sa mamamahayag noong Huwebes na: “It’s no secret there’s a lot of fear out there.” Binanggit niya ang pagboto ng Britain na umalis sa European Union at ang mga banta mula sa mga teroristang grupo.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina