NEW YORK (Reuters/AP) – Ginulantang ng pagsabog ang pamayanan ng Chelsea sa Manhattan nitong Sabado ng gabi, na ikinasugat ng 29 na katao. Iniimbestigahan na ito ng mga awtoridad bilang kasong kriminal.

Sinabi ni Mayor Bill de Blasio na batay sa inisyal na pagsisiyasat ay sinadya ang pangyayari.

“Tonight, New York City experienced a very bad incident,” inihayag ni De Blasio sa news conference malapit sa lugar ng pagsabog. “Early indications are that this was an intentional act. There is no evidence at this point of a terror connection.”

Lumalabas na nagmula ang pagsabog sa isang construction toolbox sa harap ng isang gusali sa West 23rd Street dakong 8:30 ng gabi. Hindi pa malinaw kung ano ang sumabog.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Natagpuan ng mga imbestigador ang posibleng “secondary device” ‘di kalayuan sa lugar ng pagsabog sa West 27th Street. Ito ay isang pressure cooker na mayroong mga kawad at kinabitan ng cellphone na nakalagay sa loob ng plastic bag.

Hindi naniniwala ang mga imbestigador na may kaugnayan ang pagsabog sa New York sa pipe bomb na unang sumambulat ng araw ding iyon sa New Jersey. Walang iniulat na nasaktan sa pagsabog sa isang basurahan, na ayon sa mga awtoridad ay sinadya rin.