direk-mark-kasama-sina-sanya-gabbi-kylie-at-glaiza-copy

HINDI lang sa gobyerno bukambibig ang “change is coming” kundi pati na rin sa telefantasya ng Kapuso Network na Encantadia.

Ayon kasi sa director nito na si Mark Reyes, dapat nang maghanda ang televiewers sa isang malaking pagbabago dahil tapos na ang re-telling ng istorya.

Base sa litrato na in-upload niya sa kanyang Instagram account, panahon na para simulan ang kaabang-abang na sequel sa mundo ng tao at ng buong Encantadia.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Brace yourselves… It’s not 2005 anymore. #encantadiks #Encantadia2016 #EncaMania,” saad sa caption ni Direk Mark.