Papagitna ngayon ang ikalawang yugto ng 17-Leg 2016 UFCC Stagwars sa bagong Las Pinas Coliseum.

Ang Jade Red ni Arman Santos na nagbulsa ng solong kampeonato sa pagbubukas ng 2016 UFCC Stagwars noong nakaraang Sabado ang siyang pinaka-liyamado sa labanan pati na ang nagsolo runner-up na si Thunderbird’s corporate endorser Engr. Sonny Lagon.

Handog ng Ultimate Fighting Cock Championships, ang 2016 UFCC Stagwars ay magkatuwang na itinataguyod ng Thunderbird Platinum; Resorts World – Manila at Solaire Resorts & Casino.

May 40 matitibay na kalahok ang maghaharap na binubuo nina Charlie “Atong” Ang na umiskor ng 14 na panalo sa 18 laban sa pagbubukas ng circuit noong Set. 10; Gerry Ramos, Ceasar Dy, Engr. Celso Salazar, Gov. Claude Bautista, Dorie Du, Eric dela Rosa, Cong. Jose Panganiban, Alex Ty, Anthony Lim, , RJ Mea, Engr. Tony Marfori, Edwin Tose, Cong. Peter Unabia Atty. Abella, Atty. Arcal Astorga, Atty. Cappuchino, Bebot Roxas, Fiscal Villanueva/Eboy, Gerry Ramos, Gerry Teves, Gov. Eddiebong Plaza, Gov. Ito Ynares, Homer/Danny Soriano, Gerry Boy Espina, Jerry Que, Joey delos Santos, Jojo Cruz, Ka Ador Pleyto, Ka Luding Boongaling, Coun. Marvin Rillo, Nelson Uy/Dong Chung, Rey Briones, Ricky Magtuto/Willard Ty, at Pol Estrellado.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ang 2016 UFCC Stagwars ay gaganapin sa apat na magkakaibang sabungan sa layunin na mas mailapit ang mga tinaguriang mga “idolo” ng sabong sa masang-sabungero.