Patuloy ang pagtutol ng telecommunication companies (Telco’s) sa plano ng pamahalaan na irehistro ang mga sim card bilang bahagi ng paglaban sa krimen.

Ayon kay Senate Majority Leader Vicente Sotto III, noon pang 12th congress niya isinulong ang sim registrations pero hindi ito naipapasa dahil sa paghahadlang ng telcos. Suportado naman ito ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang ahensya ng pamahalaan.

“This piece of legislation primarily intends to be an effective remedial measure to mandate cellular service providers to require the registration of all prepaid cell phone subscribers by asking valid ID at purchase, and in turn start build databases and come up with profiles of these buyers the same way police detectives profile criminal suspects to easily detect criminal perpetrators,” ani Sotto. - Leone M. Abasola

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji