Dalawang binatilyo na umano’y tulak ng ilegal na droga ang nadakip sa buy-bust operation sa Parañaque City.

Kulungan ang bagsak nina James Castro y Martinez, alyas “Jason”, 23 at Edward Pendon, 23, kapwa residente sa Parañaque City.

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District-Public Information Office Chief Supt. Jenny Tecson, dakong 3:30 ng hapon inaresto sina Martinez at Pendon ng mga tauhan ng District Anti-Illegal Drugs (DAID) sa ikinasang buy-bust operation sa Unit 2F, Complex B, 2nd Floor ng No. 43 St. Anthony Residences, Quirino Avenue, Barangay Tambo ng nasabing lungsod.

Huli sa aktong iniaabot ng mga supek ang shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer at dito na kumilos ang mga awtoridad at pinosasan ang dalawa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Narekober sa mga suspek ang siyam na pakete ng shabu, P2,000 marked money, at isang gunting. (Bella Gamotea)