GENEVA (Reuters) – Nagkasundo kahapon ang United States at Russia upang bigyang-daan ang pagsisimula ng prosesong pangkapayapaan sa Syria, kabilang ang pagpapatupad ng tigil-putukan sa buong bansa na naging epektibo bago gumabi kahapon hanggang sa Lunes, pagtiyak ng karapatan sa humanitarian aid, at pagsasanib-puwersa ng sandatahan laban sa mga grupong terorista.

“Today, Sergei Lavrov and I, on behalf of our presidents and our countries, call on every Syrian stakeholder to support the plan that the United States and Russia have reached, to. bring this catastrophic conflict to the quickest possible end through a political process,” sinabi ni U.S. Secretary of State John Kerry sa isang news conference pagkatapos ng serye ng negosasyon sa Geneva.

Sinabi ni Russian Foreign Minister Sergei Lavrov na nakabuo ang dalawang bansa ng limang dokumento na muling bubuhay sa nabigong kasunduan noong Pebrero at magtatakda sa ugnayang militar ng U.S. at Russia laban sa mga militanteng grupo sa Syria.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture