Ni Genalyn Kabiling

Umuwing kalmado si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kanyang kauna-unahang international journey, kung saan matapos ang kontrobersyang nilikha ng kanyang mga pahayag laban kina US President Barack Obama at UN Secretary General Ban Ki-moon, nangako ito na hindi na siya makikipag-away uli sa ibang bansa.

“I don’t want to pick a fight with any nation. I only want to be at peace with everybody, doing business with everybody,” ayon sa Pangulo, matapos dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa Laos, at working visit sa Indonesia.

Sa Laos, sinabi ng Pangulo na naipabatid na niya ang pinakaimportanteng mensahe sa mundo---na ang Pilipinas ay nagsusulong ng ‘independent foreign policy’.

Metro

Lalaki, pinagsasaksak sa dibdib dahil umano sa paggamit ng basketball court

“The Philippines will pursue an independent foreign policy. We will observe and must insist on the time-honoured principles of sovereignty, sovereign equality, non-interference, and the commitment to a peaceful settlement of disputes to best serve our people and protect the interests of our country,” ayon sa Pangulo.

Sa regional summit, itinulak ng Pangulo ang matatag na kooperasyon sa pagitan ng mga bansa sa rehiyon, lalo na sa laban sa terorismo at ilegal na droga, at seguraduhin ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Nang makausap ang ASEAN business sector, idineklara umano nito na ang Pilipinas ay ‘open for business.’

“I am happy to able to do it (ASEAN summit). I can sleep soundly tonight thinking I have served my country the best way I can,” ayon sa Pangulo.

Bago tumulak sa Laos, lumikha ng kontrobersya ang mga banat ni Duterte kay Obama na nagresulta sa pagkansela sa kanilang bilateral meeting.

Hindi rin nakalusot si Ban Ki-moon na nakatikim din ng hindi magandang salita mula sa Pangulo, nang tawagin itong ‘tarantado’ sa huling araw ng working visit ni Duterte sa Indonesia. Matapos nito, nangako ang Pangulo na hindi na siya makikipag-away uli.

Ilan pa sa mga nagawa ng Pangulo:

*Nanawagan sa mga lider na suportahan ang pagkakaroon ng seguridad at katatagan sa South China Sea, sa pamamagitan ng pagtugon sa international law.

*Kooperasyon laban sa terorismo, violent extremism at illegal drug trade.

Chairmanship, tinanggap

Sa Laos meeting, tinanggap ng Pangulo ang chairmanship ng ASEAN sa 2017, kung saan idaraos din ang 50th founding anniversary ng ASEAN. Sa temang “Partnering for Change, Engaging the World,” ang ASEAN summit ay idaraos sa bansa sa susunod na taon.

“It will be an important leadership role for the Philippines and a vital opportunity to contribute to the building of a strong and resilient Community,” ayon sa Pangulo, kung saan posibleng sa Davao idaos ang summit.

Negosyo naman

Idineklara ng Pangulo na ‘open for business’ ang Pilipinas. “My administration will do its part in providing the enabling environment for businesses to thrive and prosper, including micro, small, and medium enterprises,” ayon sa Pangulo.

Tikom muna kay Veloso

Nang dumalaw sa Indonesia, nag-usap umano ang Pangulo at si Indonesian President Joko Widodo hinggil sa kalagayan ni drug convict Mary Jane Veloso.

Gayunpaman, tumanggi ang Pangulo na idetalye ang usapan, kung saan nais umano ng Pangulo na kausapin muna ang pamilya ng nakakulong na overseas Filipino worker (OFW).