NEW YORK (AP) — Nagawang maisalba ni Novak Djokovic ang matikas na hamon ni Gael Monfils ng France para maitakas ang 6-3, 6-2, 3-6, 6-2, panalo nitong Biyernes (Sabado sa Manila) para makausad sa Finals ng US Open tennis championship.
“Well, it was a strange match,” sambit ni Djokovic.
Makakaharap niya sa championship duel si Stan Wawrinka sa rematch ng kanilang duwelo sa French Open.
Ginapi ng third-seeded na si Wawrinka si Kei Nishikori, 4-6, 7-5, 6-4, 6-2.