ZAMBOANGA CITY – Nagkaloob ng ayuda ang pamunuan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa may 20,000 katao sa Sulu na apektado ng pagpapatuloy ng labanan sa pagitan ng militar at Abu Sayyaf Group (ASG) sa lalawigan.

Sinabi ni Sulu Gov. Abdusakur “Totoh” Tan II na 5,610 katao sa Patikul ang inilikas; 6,605 sa Maimbung; 2,000 sa Indanan; 5,565 sa Parang; at 145 sa Panamao dahil sa serye ng bakbakan sa limang bayan na nagsimula nitong Agosto 29.

“The affected individual could go more than 20,000 by now, since the military continued their mortar shelling to the direction of the ASG camps in the province. The military action has left at least 32 of them dead and many injured in the series of encounter it had with the military since August 29,” ani Tan.

Pinangunahan ni ARMM Vice Gov. Haroun Alrashid Lucman, Jr. ang paghahatid ng tulong sa evacuees noong unang bahagi ng nakaraang linggo.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) naman ang magkakaloob ng tulong sa 3,423 pamilya sa Basilan na apektado rin ng labanan.

Sinabi ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo na sapat ang relief goods ng kagawaran para sa evacuees mula sa mga bayan ng Albarka, Tipo-Tipo at Ungkaya Pukan. - Nonoy E. Lacson

at Rommel P. Tabbad