Laro Ngayon

(Philsports Arena, Pasig)

4 n.h. -- *NU vs UP

6 n.g. -- *Ateneo vs FEU

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

*(bentahe sa serye, 1-0)

Tatangkain ng National University at Ateneo na tuldukan ang kani-kanilang semifinals series ngayon upang maisaayos ang championship match sa 2016 Shakey's V-League Collegiate Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Makakasagupa ng defending champion NU ang University of the Philippines sa Game 2 ng kanilang serye ganap na 4:00 ngayong hapon, habang asam ng Ateneo na dugtungan ang dominasyon sa Far Eastern University ganap na 6:00 ng gabi.

Tangan ng Lady Bulldogs at Lady Eagles ang 1-0 bentahe sa kanilang best-of-three semifinal match up.

Pinataob ng defending champion Lady Bulldogs ang palabang Lady Maroons sa Game 1, 25-23, 25-23, 23-25, 26-24.

Gumagamit ng 8-woman rotation ang NU, sa ilalim ni interim head coach Edjet Mabbayad sa pangunguna ng kanilang mga go-to-girls na sina middle blocker Jaja Santiago, Jorelle Singh, setter Jasmine Nabor, at liberong si Gayle Valdez.

Humataw ng 62 attack points ang Lady Bulldogs, kontra sa 46 ng Lady Maroons sa Game 1, subalit kinailangan naman nilang mahigitan ang matibay na depensa sa net na ipinakita ng UP na nagtala ng 10 blocks kumpara sa kanilang 6.

Inaasahang gagawa ng adjustments ang Lady Maroons sa ilalim ni coach Jerry Yee na susubukang makakuha ng magandang laro mula kina Nicole Tiamzon, Marian Buitre, Kathy Bersola, Isa Molde, at Justine Dorog.

Nakauna naman ang Ateneo sa FEU, 25-14, 28-26, 25-22, sa kanilang serye kung saan nahirapan ang Lady Tamaraws matapos ma-injury ang star player na si Bernadeth Pons. (Marivic Awitan)