SAN JOSE CITY – Tatlong matagal nang pinaghahanap ng batas sa pagkakasangkot sa magkakaibang krimen ang nasakote ng pulisya sa San Jose City at Cabiao sa Nueva Ecija, nitong Lunes.

Sa ulat na isinumite ni Supt. Reynaldo Dela Cruz, hepe ng San Jose City Police, kay Nueva Ecija Police Provincial Office Director Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, unang naaresto si Marvin Duyon y Biendima, 25, binata, ng Barangay Abar 2nd, na may arrest warrant sa kasong frustrated murder.

Sa San Jose rin naaresto si Rolando Abiog y Santiago, 51, may asawa, ng Bgy. Bulac, Talavera, para sa kasong rape sa menor de edad.

Patung-patong na kaso ng pagnanakaw naman ang kinahaharap ni Jerwin Santos y Castillo, 26, ng Bgy. San Fernando, Cabiao, na naaresto nitong Lunes makaraan ang dalawang taong pagtatago. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog