ANG ganda ng picture na nakita namin sa Instagram post ni Mariel Rodriguez-Padilla sa baby shower na ibinigay sa kanya ng Star Studio Magazine. Magkakasama sa isang picture sina Mariel, Robin Padilla, Vina Morales at anak nitong si Ceana. Naging girlfriend kasi ni Robin si Vina dati, pero ngayon, friends na sila at pati si Mariel.

“Thank you @vina_morales and Ceana for coming we really appreciate you guys. Know that we will always wish nothing but the best for you guys!” mensahe ni Mariel kina Vina at Ceana.

“Maria Isabella” ang napili nina Mariel at Robin na ipangalan sa kanilang baby girl na isisilang ni Mariel sa November. Sa Amerika siya manganganak at dahil ayaw bigyan ng US visa si Robin, manganganak siyang wala ang asawa.

Nakuwento ni Mariel na si Anne Curtis ang kanyang napaglihian kay Maria Isabella at umaasa siyang makukuha ng anak ang qualities ni Anne na positive, cheerful, sexy, beautiful, lighthearted, friendly person at warm. Okay na rin kay Mariel kahit makuha ng baby niya ang boses ni Anne.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Anyway, kabilang sa bisita ni Mariel sa baby shower sina Ruffa Gutierrez, Toni Gonzaga who is also pregnant, Amy Perez, K Brosas, Rufa Mae Quinto, Camille Villar, Denise Laurel, Danica Sotto-Pingris, Sarah Lahbati with Richard Gutierrez and their son Zion, Anne Curtis at marami pang iba. (NITZ MIRALLES)