Joshua Garcia copy

ISA sa most promising new actors ng Kapamilya Network si Joshua Garcia, dating tumira sa Bahay ni Kuya bilang isa sa PBB Teens.

Nakitaan ng potensiyal ang bagets aktor kaya isinama siya sa pelikulang Barcelona: A Love Untold with lead cast Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Kaya hindi naitago ang tuwa sa mukha ni Joshua nang malaman niyang isinama siya sa KathNiel movie na ipalalabas na sa September 14.

“Masaya ako, sobrang saya, bihira lang ang makatrabaho si Inang (Olive Llamasan) ‘tapos KathNiel pa, talagang mabibigat na artista at direktor. Sobra akong blessed kasi maraming batang artista sa showbiz ‘tapos ako ang napili para dito,” bungad ni Joshua nang makausap namin sa grand presscon ng Barcelona last week.

Trending

Babae, nagpadala ng sariling bulaklak sa pinagtatrabahuhan niya para kunwari may admirer

At bibihira ang baguhang tulad niya na naidirek ni Olive Lamasan na isang batikang direktor.

“Kinabahan ako pero na-excite din ako. Masaya kahit kinakabahan, inaalalayan naman niya kasi ako kahit na bago ako.

Kinakausap muna niya ako bago nagsimula ang shoot. Sabi lang talaga sa ‘kin ni Inang na tumatak sa akin ay ‘never stop learning’.”

Since kasama sa Barcelona ang numero unong tandem sa showbiz, naitanong kay Joshua kung ano ang naging obserbasyon niya sa dalawa habang nagsusyuting sa Barcelona?

“Alam naman natin lahat ‘yan na sobrang sweet nila nainggit nga ako, eh,” sabay tawang sabi ni Joshua.

“Ang Kathniel napaka-professional nila, dumarating sila ng set ng ready na, kabisado na ang script. Parang mga beteranong mga artista na sila,” ani Joshua. (ADOR SALUTA)