Panauhing pandangal si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio sa pagbubukas ng ikawalong taon ng Inter-Scholastic Athletic Association (ISAA) na magbubukas sa Mall of Asia Arena.

Ang bagong halal na pangulo ng governing body ng basketball sa bansa ang inaasahang magbibigay ng kanyang inspirational message sa pagbukas ng liga na pamumunuan ng host St. Dominic College of Asia at may tema na, ‘Walong Taon Na PagkakaISAA Para Sa Kabataang Atleta.’

Apat na laban ang magpapasimula sa unang araw ng kompetisyon sa Setyembre 6.

Sasagupain ng defending champion PATTS College of Aeronautics ang La Consolacion College sa pinakaunang laban sa centerpiece event na basketball sa ganap na 10:00 ng umaga bago sundan ng salpukan ng Saint Dominic College at Manila Tytana Colleges sa 12:00 ng tanghali.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ang tanging aksiyon sa junior sa pagitan ng La Consolacion at Tytana ay isasagawa sa ganap na 1:30 ng hapon bago kumpletuhin ng pagbubukas ng liga ng isa pang seniors game sa pagitan ng Feati University kontra Philippine Women’s University. (Angie Oredo)