Setyembre 2, 1995 nang manguna ang ballad song na “You Are Not Alone” ni Michael Jackson sa Billboard Hot 100 charts. Isa ang awiting ito sa final solo top single ni Jackson.

Si R&B sensation R. Kelly ang sumulat at nagprodyus ng awitin. Ni-request ni Jackson sa manager ni Kelly na sumulat ng awitin para sa kanya.

Nagdesisyon ang Belgian court noong 2007 na kinopya ni Kelly “You Are Not Alone” mula sa “If We Can Start All Over,” isang Belgian song. Taong 2009, nanguna ang awitin sa United Kingdom (UK) single charts, bilang cover ng X-Factor finalists ng UK.

Nang pumanaw si Jackson, nagprodyus si R. Kelly ng sarili niyang bersiyon.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Gustung-gusto ng ama ni Jackson na maging superstar siya at ang kanyang mga kapatid.