Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:15 n.h. – Phoenix vs Star

7:00 n.g. – Mahindra vs Rain or Shine

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Haharapin ng Mahindra ang Rain or Shine sa tampok na laro sa double header ngayon, target na mapatatag ang kapit sa ikalawang puwesto sa 2016 OPPO-PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Hawak ang 6-2 karta, kasalukuyang kasosyo sa three-way tie ang Enforcers kasama ang crowd-favorite Barangay Ginebra at defending champion San Miguel Beer. Nakatakda ang laro sa ganap na 7:00 ng gabi.

“We’re happy we made franchise history of reaching six wins,” pahayag ni Mahindra coach Chris Gavina.

Sa panig ng Elasto Painters, magkukumahog ang grupo ni coach Yeng Guiao na makabalik sa winning track kasunod ng natamong 96-101 kabiguan sa kamay ng Globalport nitong Sabado sa provincial game sa Bicol.

Ipaparada ng Elasto Painters ang bagong import na si Greg Smith na ipinalit nila kay Dior Lowhorn.

Sa unang laro, target ng Phoenix na masundan ang 95-91 panalo sa NLEX sa pagharap sa Star Hotshots sa ganap na 4:15 ng hapon. (Marivic Awitan)