Setyembre 1, 1985 nang matagpuan ng isang grupo ng American at French researchers, sa pangunguna ng manlalakbay na si Robert Ballard, ang wreckage ng lumubog na RMS Titanic, na matatagpuan 12,000 talampakan ang lalim at 400 milya silangang bahagi ng Newfoundland sa North Atlantic.
Nagtungo ang dalawang grupo sa lugar kung saan naiulat na lumubog ang barko, at sa tulong ng French-made submarine sonar system at American-made underwater cameras upang matagpuan ang wreckage ng barko.
Taong 1977 nang unang subukan ni Ballard na hanapin ang wreckage ngunit siya’y nabigo, matapos noon ay nakahingi siya ng pondo sa United States Navy.
Binigyan ng karapatan ang RMS Titanic, Inc. na kolektahin ang mga nadiskubreng artifacts. Mula 1986 hanggang 2004, nakakolekta ang nasabing kumpanya ng mahigit 5,500 artifacts kabilang na ang leather trunks na may buong bank notes.