Chris copy copy

INARESTO ang pop star na si Chris Brown dahil sa umano’y assault with deadly weapons noong Martes matapos ang mahabang standoff at search sa kanyang bahay sa Los Angeles, na nagsimula nang may tumawag na babae sa 911 ng madaling araw, ayon sa pulisya.

Itinanggi naman ni Brown, 27, ang akusasyon sa post nito sa Instagram bago siya isinailalim sa kustodiya ng mga pulis. Sinabi niya na nagising na lamang siya nang mapag-alaman niyang nasa labas ng bahay niya ang mga pulis, sa Tarazana sa San Fernando Valley.

“He is being transported to robbery homicide, where he will be arrested for assault with a deadly weapon,” sabi ni Lieutenant Chris Ramirez ng Los Angeles Police Department sa mga reporter sa biglaang media conference sa labas ng bahay ni Brown.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Tumanggi si Ramirez na idetalye ang mga asunto laban kay Brown, pero inihayag nito na patuloy pa rin ang imbestigasyon tungkol sa insidente. Sa ulat ng TMZ.com at Los Angeles Times, sinasabi na tinutukan ng baril ng singer ang isang babae, na umalis sa bahay ni Brown.

Ilang oras na pinaligiran ng mga police na tumugon sa 911 emergency call dakong 3:00 ng madaling araw bago magkaroon ng search warrant at saka lang nakapagsimulang galugarin ang malawak na property ng singer.

Habang isinasagawa ang search, nag-post ang TMZ ng litrato ni Brown na nakatayo sa harap na balkonahe kasama ang isang police officer at kanyang abogado na si Mark Geragos. Hindi ma-contact ng Reuters si Geragos na nais sanang hingian ng komento.

“I don’t sleep half the damn night I just wake up to all these… helicopters, choppers is around, police out there at the gate,” ani Brown sa video na ipinost niya sa Instagram habang nakahimpil ang mga pulis sa labas ng bahay niya.

“What I do care about is you are defacing my name and my character and integrity,” dagdag niya, at sinabi rin na wala siyang ginawang anumang pagkakamali at pinuna rin ang ginagawa ng mga pulis.

“I don’t care y’all going to stay playing with me like I’m the villain out here, like I’m going crazy… good luck when you get the warrant or whatever you need to do. You’re going to walk right up in here and you’re going to see nothing you idiots,” aniya. (Reuters)