KAKAIBANG pasabog ang ihahatid ng GMA Network tuwing Sabado ng gabi sa pagsisimula ng pinakabago at kakaibang celebrity singing competition ngayong Setyembre, ang Superstar Duets.

Pangungunahan ni Jennylyn Mercado bilang host, itatampok sa weekly program na ito ang pagsasama-sama sa iisang stage ng walong Filipino celebrity performers at ilan sa mga kilalang international music icons para sa isang one-of-a-kind live duet performance.

Magsisilbing hurado at pipili ng karapat-dapat na tanghaling unang Superstar Duets champion sina Allan K, Aicelle Santos at Christian Bautista. 

Mula sa direksyon ni Bert de Leon, abangan ang Superstar Duets tuwing Sabado ng gabi simula Setyembre pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA.
Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'