Tom copy

ILANG linggo pa lang si Tom Hiddleston sa Instagram, pero na-hack agad ang account niya.

Nitong nakaraang Biyernes, habang nasa Australia si Tommy Boy at nagsu-shooting para sa Thor: Ragnarok, may nag-upload sa kanyang account ng pitong magkakaibang larawan. Nabago ang bio ng account niya na @twhiddleston sa “TEAM.ERORR.4.0.4 @rjz @ikp @dr.rghx @u52 @x3azmii @[email protected].”

Sumali ang British actor, na mayroong one million followers, sa photo-sharing app noong Agosto 9, na may post na in character bilang Loki. Nag-post din siya ng mga litrato ng co-star na si Chris Hemsworth, kabilang ang pagpunta nila sa ospital ng mga bata noong unang bahagi ng linggo.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Nitong Biyernes ng umaga, naibalik na ng Team Hiddleston ang account ng aktor. Nabura na rin ang mga unauthorized post at naibalik uli ang pag-follow niya sa sampu katao - na ginawang 20 people ng hacker – kabilang si Taylor Swift.

Habang nagsu-shooting si Hiddleston ng pelikula sa Australia, nakabalik na sa NYC ang kanyang lady love na si Taylor Swift. Matatandaan na kamakailan ay nagkaroon sila ng pagtatalo. Ngunit hindi siya dadalo ng MTV VMAs sa Linggo dahil hindi siya nominado. Pero maaari na siguro siyang makipag-FaceTime kay Tom para mabigyan ito ng pointers kung paano isi-secure ang password sa social media. (Yahoo Celebrity)