IOWA (AFP) – Nangako si Republican presidential nominee Donald Trump noong Sabado na agad sisimulan ang deportasyon ng illegal immigrant pagkatapos niyang manumpa sakaling siya ang susunod na uupo sa White House.

“On Day One, I am going to begin swiftly removing criminal illegal immigrants from this country – including removing the hundreds of thousands of criminal illegal immigrants that have been released into US communities under the Obama-Clinton administration,” sabi ni Trump sa kanyang mga tagasuporta sa Des Moines, Iowa.

Ang kanyang Democratic rival na si Hillary Clinton ay nagsilbing secretary of state sa unang termino ni President Barack Obama. Manunumpa ang susunod na pangulo sa Enero 20.

“I am going to build a great border wall, institute nationwide e-verify, stop illegal immigrants from accessing welfare and entitlements and develop an exit-entry tracking system to ensure those who overstay their visas are quickly removed,” babala ni Trump.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture