vice copy copy

IBANG klase talagang magpauso itong si Vice Ganda dahil ang ‘Pak Ganern’ niya ay hindi na sa mga taga-ABS-CBN lang napapanood kundi ginagaya na rin maging sa ibang TV network na hindi na namin tutukuyin.

Aliw na aliw kami sa kuwento ng mga staff ng isang TV network, bilib daw talaga sila sa It’s Showtime at Gandang Gabi Vice host dahil kung anu-ano ang pinauuso at talagang kinakagat ng tao.

“Kapag inaantok kami o bored, ginagawa namin din ang Pak Ganern sa set kaya natatawa sa amin ‘yung ibang nakakakita. Sabi pa nga, ‘hoy, baka makita kayo ng boss.’

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

“Sabi namin, bakit ano’ng masama, eh, game lang naman ‘yun. Aminin natin, di ba, usung-uso ngayon?” masayang kuwento sa amin.

Oo naman, hindi lang sa social media viral ang pinausong laro ni Vice dahil maging mga batang paslit, mga estudyante at mga nag-oopisina ay ginagawa na rin ito. Masaya naman talaga at nakakawala ng stress.

Samantala, kasalukuyan nang gumigiling ang kamera para sa pelikulang pinagsasamahan nina Vice at Coco Martin na entry ng Star Cinema sa 2016 Metro Manila Film Festival mula sa direksiyon ni Binibining Joyce Bernal. (REGGEE BONOAN)