Gilas Pilipinas, binuo ng SBP kahit wala ang PBA.

Hindi na kailangan pang kumatok ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) sa Philippine Basketball Association (PBA) para manghiram ng player na isasabak sa international tournament.

Ngunit, hanggang kailan?

Para kay SBP executive director Sonny Barrios, hindi isinasantabi ng asosasyon ang pangangailangan ng pro players sa kampanya ng Philippine basketball Gilas team, higit sa qualifying tournament para sa World Championship at Olympics sa hinaharap.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Naghahanda lang kami dahil iba na ang iskedyul ng tournament sa FIBA calendar. Talagang apektado ang playdate ng PBA, eh! Alam naman namin na mahirap para sa mga players na may kontrata na mamili kung lalaro sa Philippine Team,” sambit ni Barrios.

“We come out with this young but talented group.Maybe, ito na ang tamang panahon para hasain natin at sanayin yung isang grupo lang para hindi nagkakaroon ng problema sa adjustment,” aniya.

Bilang panimulang hakbang sa tinatawag na ‘long term program’ ng SBP, ipinahayag ang komposisyon ng 14-man Gilas Pilipinas na isasabak sa FIBA Asian Cup.

Pawang dekalidad na collegiate players, ngunit wala pang malalim na karanasan sa international play ang Gilas Pilipinas na kinabibilangan nina Ed Daquioag, Chris Javier, Ponso Gotladera, Jaymar Perez, Arnold Van Opstal at Carl Bryan Cruz.

Makakasama nila ang Gilas cadets mainstays na sina Mac Belo, Mike Tolomia, Roger Pogoy, Russel Escoto, Kevin Ferrer at Von Pessumal. Nawala sa line-up na isinumite ng SBP sa FIBA ang mga beteranong sina Kiefer Ravena, Rayray Parks at Jio Jalalon. Umatras ang tatlo bunsod ng personal na dahilan.

Magsisilbing reserved sina Blackwater star Arnold Vosotros at Jonathan Grey.

Sa taas na 6-7, si Van Opstal ang pinakamalaking player sa Gilas, ngunit, hindi pang balyahan ang pangangatawan ng dating La Salle standout.