TALAVERA, Nueva Ecija - Isang bangkay na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuang nakagapos at may mga tama ng bala sa ulo at dibdib, sa NIA Irrigation Road sa Purok 5, Barangay Bacal 2 sa bayang ito, nitong Miyerkules ng gabi.

Sa ulat ni Supt. Leandro Novilla, OIC ng Talavera Police, walang pagkakakilanlan ang biktima na may taas na 5’5”, nakasuot ng puting shorts at puting T-shirt.

Sa imbestigasyon ni PO2 Marvin Verde, dakong 10:30 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang pulisya tungkol sa nadiskubreng bangkay.

Ayon kina Bernardo Sario at Alexander Casisiempre, kapwa taga-Bgy. Matingkis, nanghuhuli sila ng isda sa nasabing irigasyon nang makita nila ang nakagapos na bangkay.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nakalagak ngayon ang bangkay sa Timario Funeral Parlor sa Bgy. Bacal 3, Talavera. (Light A. Nolasco)