Matapos alisin sa kanilang poder ang traffic management, pagtutuunan ng lakas ngayon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang flood control, waste management at urban renewal.

“For the agency, it will let us refocus on other areas where we are supposed to put our attention to,” ayon kay Thomas Orbos, bagong MMDA officer-in-charge.

Magugunita na inalis na ng Department of Transportation (DOTr) sa MMDA na may 7,000 pwersa, ang pagmamando sa trapiko.

Ang MMDA ay may 50 pumping stations na makakatulong sa pagkontrol ng baha sa metropolis, at mayroon din itong flood warning system.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sa solid waste management naman, ang MMDA ay maaaring mag-identify at mag-regulate ng sanitary landfills o imbakan ng bultu-bultong basura.

Miyembro din ang MMDA ng Inter-Agency Committee on Traffic Management (IACT), kasama ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), Land Transportation Office (LTO), at Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB). (Anna Liza Villas-Alavaren)