YANGON (PNA) – Sinira ng 6.8-magnitude na lindol sa central Myanmar noong Miyerkules ang 190 sinauna at pamosong mga pagoda sa Bagan-Nyaung Oo region at Rakhine state, iniulat ng Archeology Department noong Huwebes. Apat katao rin ang namatay, ayon sa mga opisyal.

“Due to earthquake which rocked Myanmar at 05:04 p.m. local time, one man and one women died in Pakkoku township in Magway region when a tobacco processing factory collapsed and two young girls aged 7 and 15 also lost their lives in Yenanchaung township,” pahayag ng local Information and Public Relations Department.

Nakasentro ang lindol sa 197.9 kilometro sa timog kanluran ng Mandalay at 19.3 km sa kanluran ng Chauk, at naramdaman ang pagyanig sa halos buong bansa kabilang na sa Nay Pyi Taw at Yangon, ayon sa Meteorology and Hydrology Department.

Metro

Lalaking umakyat sa tuktok ng LRT-2 Antipolo Station, na-rescue na!