JUDY ANN copy

LAST weekend, ginulat ni Sharon Cuneta ang kanyang fans nang sumalang siya sa isang production number sa The Voice Kids kasama sina Bamboo at Lea Salonga dahil inilantad ng megastar ang pag-improve ng kanyang figure.

Kung dati’y bina-bash siya as “mataba” o “lumba-lumba” dahil sa katabaan, this time, bagong Sharon ang napanood ng televiewers habang kumakanta.

Si Judy Ann Santos, isa sa pinakamalapit na kaibigan ng megastar, ang nahilingan ng opinyon ukol sa successful na weight loss journey ng kanyang ate.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“You know, ‘yan ‘yung sinasabi ko na never ever judge someone kasi hindi mo alam ang kapasidad ng taong ‘yun. At the same time, hindi mo alam ang pinagdadaanan ng bawat isa sa atin, di ba?” simula ni Juday.

“So, huwag kang magsasalita ng masasakit na bagay sa isang tao kasi lahat naman tayo ay may pinagdadaanan,” pasaring ni Juday sa bashers ng megastar.

“Ako, I’m very happy for ate. Ano siya, kumbaga, waging-wagi. Waging-waging-wagi talaga siya, grabe! Ang ganda-ganda-ganda-ganda niya talaga!” pagmamalaki ni Juday.

Sinabi rin ni Juday na sa tuwing nagkikita sila ng megastar, napag-uusapan nila ang tungkol sa pagpapapayat.

“Kapag nag-uusap kami, napag-uusapan naman namin ‘yun, eh. Pero hindi namin masyadong ini-expound ang usapan.

Hangga’t maaari, kapag magkasama kami, we just talk about life. We just talk about, you know, things na puwede naming pagtawanan.

“Pero may mga bagay na, let’s say losing weight, kapag medyo nagiging sensitive na ‘yung part na ‘yun, we just stop talking about it. You know, when we’re together, we just wanna talk something about our children or kung ano ‘yung masarap kainin.

“You know, you want things to be light, very memorable. I’m so happy for Ate kasi vindicated siya ngayon.

“Ngayong na-achieve na ni Sharon ang pagpayat?

“’Yun lang, eh, sabi kasi wait, di ba? Wait lang, wala namang taxi na waiting, eh. Huwag nagmamadali.”

Nagkatotoo nga ang ipinangako ni Sharon sa kanyang fans na ipapakita niya ang kanyang bagong figure sa finals night ng The Voice Kids Season 3.

Next weekeend, siguradong manggugulat na naman si Sharon dahil determinado siyang pantayan ang figure ng kasamahang judge na si Lea Salonga. (ADOR SALUTA)