Inginuso ng isang empleyado ng Optical Media Board (OMB) ang chairman nito na si Ronnie Ricketts ang nag-apruba upang “i-dispose” ang mga nasamsam na piniratang video materials sa ikinasang pagsalakay sa Quiapo, Maynila noong 2010.

Nagawang tumestigo ni Benjamin Duanan, administrative assistant ng OMB, isa sa mga witness ng prosecution panel, nang dumalo ito sa pagdinig ng Sandiganbayan kaugnay ng kinakaharap na kasong graft ni Ricketts.

Kabilang aniya sa pinapa-dispose ni Ricketts ang apat na kahon ng digital video discs (DVDs) at video compact discs (VCDs) na pag-aari ng Sky High Marketing Corporation matapos itong kumpiskahin noong Mayo 27, 2010 sa Quiapo.

Ang nasabing pirated materials ay gagawin sanang ebidensya ng tanggapan ni Ricketts laban sa tatlong Chinese na naaresto ng mga tauhan ng OMB sa nasabing raid. (Rommel P. Tabbad)

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'