Tiyak na papasok sa world rankings si Pinoy boxer Rene Dacquel matapos mapanatili ang kanyang OPBF super flyweight belt sa pagwawagi via 12-round unanimous decision kay world rank at OPBF No. 1 contender Go Onaga sa Okinawa, Japan.

Kinontrol ni Onaga ang mga unang yugto ng sagupaan pero pagdating ng 8th round ay napabagasak siya ni Dacquel tungo sa dominanteng ratsada sa krusyal round para makuha ang 115-112, 114-113 at 117-110.

“Onaga, from Okinawa, swept nearly all rounds with effective southpaw lefts prior to a trick happening with Dacquel’s right exploding midway in round eight, after which the champ took a complete control, overcame his previous deficit on points and registered a landslide victory,” ayon sa ulat ng Fightnews.com.

Sa pagwawagi kay Onaga na nakalistang No. 7 contender kay IBF super flyweight titlist McJoe Arroyo ng Puerto Rico, inaasahang papasok sa world ranking si Dacquel lalo sa WBC kung saan affiliated ang OPBF.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa undercard na laban, natalo naman sa unanimous decision si WBO No. 9 minimumweight Jeffrey Galero kay Seita Ogido ng Japan. (Gilbert Espena)