Rommel copy

MARAMING nagulat na entertainment press sa launching at contract signing ng magkapatid na Robin at Rommel Padilla sa Bravo food supplement nang banggitin ni Robin na Muslim na rin ang Kuya Rommel niya.

Hindi kasi masyadong napag-uusapan ang relihiyon ni Omeng kumpara kay Binoe na masyadong open sa kanyang paniniwala.

 

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

Nabanggit kasi ni Robin na hindi pa siya puwedeng uminom ng Bravo dahil ipinagbawal ng doktor na magsiping sila ng asawang si Mariel Rodriguez na maselan ang pagbubuntis. Bagamat Muslim at allowed mag-asawa ng higit sa isa, hindi niya gagawin dahil gusto niyang si Mariel na ang huling babae sa buhay niya.

 

Sabay turo sa Kuya Rommel niya na, “Siya na lang siguro ang puwedeng gumawa nito sa iba.”

 

Nagulat ang lahat at nagsabing ‘may asawa na si Rommel’ at agad sinabi ni Robin na, “Muslim siya kaya allowed siyang mag-asawa pa.”

 

Saka lang nagsalita si Rommel na matagal na siyang Muslim.

 

Kaya pagkatapos ng Q and A ng presscon, inusisa namin si Rommel at nalamang nauna lang ng dalawang taon sa kanya si Robin nang magpa-convert siya noong 1999.

Kaya naman nalaman na higit sa isa pala ang asawa ni Omeng. 

“Dalawa lang ‘yung nandiyan, kasama ko pa,” aniya.

 

Ang mga anak ni Rommel na sina RJ at Matt na parehong nasa showbiz na rin ay si Anabelle Antonio ang ina. Pero hindi naman counted si Karla Estrada, nanay ni Daniel Padilla, dahil ex-lovers na sila.

As of now, sampu na ang anak ni Rommel sa apat na babae. Plano o wish niyang umabot sa 45 ang anak niya.

 

“Aba, kung kakayanin,” tumawang sabi ng aktor na leading man ni Sylvia Sanchez sa upcoming TV series na The Greatest Love na mapapanood na sa Setyembre.

 

Malaki ang kinagisnang pamilya ni Rommel sa ama nilang si Roy Padilla, Sr.

 

“Well, alam mo kasi kami, dahil lumaki kami sa malaking pamilya, ‘yung mga anak namin natunghayan nila iyon na marami kaming magkakapatid. So parang hindi na rin kakaiba sa kanila ‘yung marami kami,” sey ni Omeng.

 

Dalawa man ang asawa, hindi ini-encourage ni Rommel ang mga anak na gayahin siya.

 

Katulad ni Daniel Padilla na kahit iisa ang babaeng itinitibok ng puso ay sinasabi ng iba na babaero rin dahil sa dugong nanalaytay sa kanya.

“Ako kasi, kagaya ng laging bilin namin sa kanya ng mama niya, kung ako naging ganu’n ‘yung aking love life na naging dalawa, eh, hindi ko ina-advice na sundan niya ‘yung yapak ko. Hangga’t maaari isa lang ang maging asawa niya,” paliwanag ng aktor.

 

Paano kung may nabuntis si DJ? 

“Okay lang naman, basta ba iyan ay gawa sa pagmamahalan. Kung mauna ‘yung baby, kung kinakailangang magpakasal, pakasal,” sagot ni Omeng.

 

At kapag may nabuntis ay kailangang panagutan o pakasalan kaagad dahil iyon daw ang tamang proseso.

 

“Pero sa panahon ngayon, hindi na laging nangyayari iyon. Ang mahalaga ay dapat panagutan,” sabi pa ni Rommel.

 

Samantala, inamin ni Rommel na sobrang boto siya kay Kathryn Bernardo.

 

“Napakasimpatikang bata, napakabait, napakatotoo, maganda, lahat nandoon. At saka kung sino ang gusto ng anak ko, gusto namin,” sabi ng proud papa ni DJ.

 

Inamin na raw ni Daniel sa magulang niya na espesyal ang relasyon nila ni Kathryn.

 

“Natuwa ako nu’ng sinabi nila iyon. Kumbaga kahit ano naman ang sabihin nila makikita mo na espesyal sila sa isa’t isa,”kuwento ng aktor. (Reggee Bonoan)