RIO DE JANEIRO (AP) — Animo’y nasa kanilang teritoryo ang U.S. Olympic Team sa Rio. Hindi naman nagpahuli ang British, habang ipinagdiwang ng Brazil ang kampeonato sa sports na pinakamalapit sa kanilang puso.

Sa pagtatapos ng XXXI edisyon ng Summer Games, angat ang Americans sa nakamit na 121 medalya, tampok ang 46 ginto – may kabuuang 51 medalya ang layo sa Asian power China.

“This experience has been the dream of a lifetime for me,” pahayag ni U.S. gymnast Simone Biles, tumayong flag bearer ng US delegation sa closing ceremony Linggo ng gabi (Lunes sa Manila).

Nakakolekta si Biles ng limang medalya, kabilang ang apat na ginto sa kanyang debut sa quadrennial Games.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa ikaapat na sunod na Olympics, dominante si swimmer Michael Phelps sa napagwagihang anim na event sa Rio, kasunod sina Biles at swimmer Katie Ledecky na may tiglimang medalya.

Sa kabuuan ng kampanya ng US, ang kababaihan ay may nakopong 27 ginto – pinakamarami sa mga delegasyon na sumabak sa Rio.

“Got ‘em,” pahayag ni six-time champion Allison Felix.

Naitala ng Americans ang pinakamaraming medalya na 110 sa Beijing Games noong 2008.

“We weren’t sure we were going to have that kind of success coming in,” sambit ni USOC CEO Scott Blackmun.