Kailangang isamoderno ang Philippine Coast Guard (PCG) upang higit na maging epektibo sa pagbabantay sa mga baybayin.

Sinabi ni Magdalo Party-List Rep. Gary Alejano na maging ang ibang mga bansa ay namumuhunan sa modernisasyon ng kanilang mga coast guard upang maprotektahan ang ports, waterways, at mapalakas ang coastal security.

Naghain siya ng HB 111 na may titulong “An Act providing for the modernization of the Philippine Coast Guard (PCG) and for other purposes.”

Binigyang-diin ni Alejano na sa modernization program ng PCG, pagbubutihin at palalakasin ang kakayahan ng PCG upang mabisang makatupad sa mga tungkulin nito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ito ay popondohan ng P50 bilyon sa unang limang taon, at maaaring taasan pa depende sa pangangailangan.

(Bert de Guzman)