Laro Ngayon

(Panabo, Davao del Norte)

5 n.h. -- Alaska vs Star

Makaahon mula sa ilalim ng team standing, mag- uunahan ang Alaska at Star sa kanilang pagtutuos ngayong hapon sa pagsabak nila sa road game sa Panabo, Davao del Norte sa pagpapatuloy ng 2016 PBA Governors Cup. Kapwa nasa buntot, halos kalahating laro lamang ang angat sa pinakahuling Blackwater (1-5) taglay ang parehas na barahang 1-4.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Manggagaling ang Hotshots sa 85-88 na panalo kontra NLEX kung saan naglaro sa unang pagkakataon ang bagong import ng si Joel Wright ang ipinalit kay Marcus Blakely.

Sa pagkakataong ito, umaasa si coach Jason Webb na nakapag-adjust na si Wright.

Galing naman sa kabiguan ang Aces sa kamay ng Rain or Shine,114-117. Ang panimula ang itinuturing na pinakapangit ng Aces mula ng hawakan sila ni coach Alex Compton, kaya inaasahang magkukumahog silang makabangon upang isalba ang tsansang umusad sa susunod na round. (Marivic Awitan)