Tumataginting na P50,000 ang reward na tatanggapin ng sinumang makakapagnguso sa illegal recruiters.

Ito ang inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE), kung saan magsisimula umano silang tumanggap ng impormasyon kapag nabuksan na ang official hotline ng ahensya sa susunod na buwan.

Noong June, sinabi ni Labor and Employment Secretary Silvestre Bello na ilang pribadong kumpanya ang nag-alok ng P50,000 reward money sa mga makakapagbigay ng impormasyon hinggil sa katauhan ng illegal recruiters.

Ang nasabing halaga ay tulong na rin umano sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal recruitment.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“It is still an open offer if they are able to give information that will lead to the arrest ng illegal recruiters…the P50,000 will not come from the government (funds), but from the association of recruitment agencies,” ani Bello sa mga nakaraang interview.

Ang impormasyon ay maaari umanong itawag sa hotline simula September 1.

Samantala ang kukulekta lang ng reward money ay ang mga taong may tamang impormasyon at dumaan na sa balidasyon ng mga awtoridad. (Samuel Medenilla)