Sa pagnanais na wakasan na ang kanyang buhay, isang lalaki ang nagbigti matapos umanong maghinalang may ibang lalaki ang kanyang kinakasama nitong Miyerkules ng gabi sa loob ng isang pension house sa Sta. Cruz, Maynila.

Himalang nabuhay ang isang 38-anyos na lalaki matapos ibigti ang sarali sa bintana na may taas na anim na talampakan.

Bago ito mangyari, nag-check in umano ang biktima at kanyang kinakasama, 20, sa TASB Pension House sa kahabaan ng Rizal Avenue at San Lazaro St., sa Sta. Cruz, dakong 9:20 ng gabi.

Ayon sa kinakasama ng biktima, pumasok sila sa pension house, at nagdesisyon umano siyang mag-shower ng ilang oras sa labas ng nirentahan nilang kuwarto.

National

Dahil sa bagyong Gener: 19 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin

Makalipas umano ang tatlong oras, laking-gulat umano nito na nakapatiwarik na ang biktima gamit ang itim na nylon cord, at tumatagas na ang dugo nito mula sa tenga, ilong at bibig.

Agad humingi ng tulong ang kinakasama ng biktima at agad namang rumesponde ang dalawang room boy ng nasabing pension house at isinugod ang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center kung saan masuwerte nailigtas ang biktima.

Nasa maayos na kondisyon na ang biktima at nakatakdang sumailalim sa ilang medical test, ayon sa kanyang doktor.

(Mary Ann Santiago)