Ipinamamadali ang pagsasagawa ng kinakailang eleksiyon sa Alliances of Boxing Association in the Philippines (ABAP).

Agad na pinapabalik sa Maynila si ABAP executive director Ed Picson mula sa Rio de Janeiro mismo ng presidente na si Ricky Vargas upang asikasuhin ang lahat ng mga kailangan para sa lalong madaling panahon na pagsasagawa ng eleksiyon.

Si Picson ay kasama sa dalawa kataong Philippine boxing team na hindi man lamang nakausad sa una nilang laban sa preliminaries sa Rio Olympics.

“That’s the instruction, to hold elections ASAP. Kaya nagpa-rebook ako ng ticket to come home earlier,” sabi ni Picson sa ulat ng Spin.ph. Personal na nakausp ni Picson si Vargas matapos na ang huling Pilipino na natitirang boxer na si Rogen Ladon ay nabigo sa nakakadismayang unanimous decision kay Yurbejen Martinez ng Colombia sa ikalawang round. Nakakuha si Ladon ng bye sa unang round.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Matapos ang kabiguan ni Ladon, agad nagpahayag si Vargas na nakahanda nitong iwanan ang puwesto para sa pagluklok ng bagong pamunuan sa ABAP sa pagsasagawa ng eleksiyon matapos lamang ang ginaganap na Rio Olympics.

“I’ve already talked to the Abap legal counsel to prepare all necessary documents needed in the election,” sabi ni Picson. (Angie Oredo)