Umabot sa 15 na umano’y drug personalities ang naaresto ng mga awtoridad kaugnay sa mahigpit na kampanya laban sa ilegal na droga, sa magkakahiwalay na operasyon sa Valenzuela City.

Sina Jeffrey Villamor, 30, Marlon Macale, 35, Carlito Perez, 43 at Joel Calanes, 36, kapwa residente ng Lower Tibagan, Barangay Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod ay naaresto ng mga operatiba ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group 9 (SAID-SOTG), matapos umanong maaktuhang nagpa-pot session dakong 4:15 ng hapon.

Ayon naman kay Police Sr. Supt. Ronaldo Mendoza, hepe ng Valenzuela Police, dakong 10:00 ng gabi, nadakip sina Edgardo Acuna, 60, Jaymee Marange, 29, Fernando Bello, 30, Anthony Delupio, 29, Ablino Dantes, 54, Sherwin Ang, 27 at Apolinario Tibar, 38, sa Lower Tibagan, Bgy. Gen. T. De Leon.

Sa Barangay Canumay West, nadakip naman umano sina Ronnie Reglapa, 42 at Roden Inalgan, 42, sa isinagawang “Oplan Galigad”.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Dinampot din ng mga pulis si Arthur Ramirez, 39, security guard sa Valenzuela City Social Hall, nang maaktuhan umanong may hawak-hawak na plastik ng shabu.

Huling nadakip si Robert Janito, 33, ng San Juan St., Bgy. Isla, dahil din umano sa shabu. (Orly L. Barcala)