VILMA AT ANGEL copy copy

BINURA na ni Angel Locsin ang lahat ng mga larawan nila ng kanyang ex-boyfriend na si Luis Manzano na magkasama sa kanyang Instagram account. Gayunman, hindi niya dinelete ang larawan nilang dalawa ng ina nito na si Batangas Cong. Vilma Santos.

Kaya may mga nagsasabi na kung naka-move na si Angel sa hiwalayan nila ni Luis, nananatili pa rin ang kanyang respeto at paghanga kay Ate Vi.

Pero ang mabilis na sabi ni Luis nang hingan namin ng komento tungkol dito ay wala naman daw dapat pang pag-usapan hinggil sa bagay na ito.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Aniya, marami na ang nangyari at hindi na raw dapat pa itong balik-balikan pa lalo na ang matagal nang isyu.

“Ang dami nang nangyari, bakit nandito pa rin tayo?” sabi ni Luis. “We don’t need to talk about it, it’s not necessity. Hayaan na nating mag-enjoy sila talking about it,” sabi ng panganay ng Star for All Seasons.

Wala kaming nakuhang kasagutan sa kanya nang tanungin namin kung naka-move na rin ba siya sa hiwalayan nila ni Angel Locsin.

Tungkol naman sa kanila ni Jessy Mendiola, masaya raw siya sa kung anumang meron sila ngayon bagamat iginigiit niya sa amin na wala pa raw silang pormal na relasyon.

“Well, we are going to enjoy everything, both good moment and bad moment. Wala pang formality, wala pa talaga. We are just enjoying what we are doing,“ sey pa sa amin ni Luis Manzano. (JIMI ESCALA)