JEAN copy copy

NAKATSIKAHAN namin si Jean Saburit after ng Q&A portion ng thanksgiving presscon ng Kapamilya Gold seryeng Tubig at Langis.

Maganda pa rin at walang kupas sa acting si Jean na puwedeng ma-nominate sa Star Awards for TV bilang best supporting actress ‘coz todo emote siya sa camera doon sa eksenang sinabi niya kay Dionne Monsanto na anak niya itey na ayaw naman nitong paniwalaan, kaya matinding emosyon ang pinakawalan ng dalawa sa eksenang iyon na aming napanood, in pernes.

Dahil nga sa nawala si Vivian Velez sa Tubig at Langis nang magkaroon ng isyu between her and Cristine Reyes, kinakailangan ng production ang isa pang character na similar sa role ni Vivian. Lalabas na tipong kapatid siya ni Vivian sa serye, kasi kailangan daw talaga sa mga eksena bilang kontrabida para may kakampi si Clara (Isabelle Daza).

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Kaya biglang napasama sa cast ang Jean Saburit.

Sabi ni Jean, okay lang naman kay Vivian dahil magkumare sila in real life, kaya no bad blood between the two of them. Sabi nga, trabaho lang ‘yon with matching saying na... live and let live, boom... ‘yun na!

And take note, very proud si Jean sa nag-iisa niyang anak na si Nicole na isang blogger at host. Si Nicole daw ang magho-host ng wedding ni Isabelle Daza sa September.

But in pernes, aakalain mong magkapatid lang ang Jean at Nicole, ha, ‘coz sexy at blooming pa rin up to now ang byuti ng nag-iisang Jean Saburit ng Phillipines showbiz industry na minsan ay naging beauty queen din at sumali sa Ms. Universe noong dekada 70.

Anyway, happy birthday pa more, Jean Saburit (today, August 17)! Ang post birthday celebration... alam mo na! ‘Yun na. Ha-ha-ha! Muwahhh! (MERCY LEJARDE)