CHARLIE PUTH copy copy

HINDI lang pina-follow sa Twitter ni Charlie Puth si Liza Soberano dahil sa concert sa Kia Theater ng sikat na American singer/songwriter last Sunday, inamin nito sa audience na, “I’m attracted to this young actress…” at hindi na narinig ang iba pa niyang sinabi dahil nagsigawan ang audience.

Sa araw ng kanyang concert, nag-tweet si Charlie kay Liza ng, “@lizasoberano you coming tonight?” Sinagot ito ni Liza ng, “Sorry I couldn’t make it! Hope to see you next time around.”

Marami ang na-disappoint sa hindi pagdating at panonood ni Liza sa concert ni Charlie Puth. Hindi raw tuloy niya narinig ang inamin ng singer na attracted ito sa kanya.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Pero kung kinikilig ang solid fans ni Liza na isang sikat na American singer at songwriter ang attracted sa kanya, imbiyerna ang ilang LizQuen fans nina Liza at Enrique Gil. Echosera raw si Charlie Puth at ginamit si Liza para maging sold out ang concert nito.

In fairness, bago pa dumating si Charlie Puth sa bansa, bago pa niya i-follow sa Twitter si Liza, sold out na ang tickets sa concert niya. Alam namin ito dahil madalas kami sa Araneta Center at nakikita ang announcement ng Kia Theater na sold out na ang tickets sa concert.

Bago ang pag-amin, nag-post din si Charlie sa Snapchat niya – na pinanood niya ang pelikula nina Liza at Enrique na Everyday I Love You at dahil hindi maintindihan ang Tagalog dialogues, binigyan niya ng sariling English interpretation ang mga eksenang pinapanood. Tuwang-tuwa ang fans ni Liza sa ginawa ni Charlie Puth.

Si Charlie Puth, 24 years old, ang kumanta ng Marvin Gaye, One Call Away, See You Again at marami pang magagandang songs. Abang-abang tayo kung saan tutungo ang pag-amin ni Charlie na attracted siya kay Liza at kung may dapat bang ika-insecure si Enrique. (NITZ MIRALLES)