RIO DE JANEIRO (AP) — Kung tunay ang pagreretiro ni Michael Phelps, ang No.23 Olympic gold medal ay mahirap nang tibagin sa kasaysayan ng Summer Games.

Nadugtungan ng tinaguriang “most decorated athlete” sa Olympics ang kasaysayan nang makipagtulungan para sa 4x100-meter medley relay title sa pagtatapos ng swimming competition nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Sa kabuuan, tangan ng 31-anyos na si Phelps ang 28 medal, kabilang ang apat na silver at isang bronze.

Nauna nang ipinahayag ni Phelps na nais niyang pagtuunan ng pansin ang pamilya at planong pagpapakasal sa ina ng kanyang isang taong gulang na anak.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa kasalukuyan, marami ang nagnanais na agawin ang korona kay Phelps at kabilang ang Singporean na si Joseph Schooling sa posibleng maging bagong hari sa pool. Sa 100meter butterfly finals, natikman ni Phelps ang kabiguan sa dating estudyante.

Sinaksihan ng kanyang mga kababayan at teammate, kabilang si female star of the games Katie Ledecky, ang huling Olympic event ni Phelps. At hindi sila binigo ng Olympic record-holder.