Jamaica's Elaine Thompson wins the gold medal in the women's 100-meter final during the athletics competitions of the 2016 Summer Olympics at the Olympic stadium in Rio de Janeiro, Brazil, Saturday, Aug. 13, 2016. (AP Photo/David J. Phillip)RIO DE JANEIRO (AP) — Naganap ang paglipat ng titulo ng ‘Sprint Queen’ sa Rio Olympics, ngunit hindi na kinailangan na baguhin ang bansang pinagmulan ng bagong reyna.

Nagmula sa Jamaica -- sa isa pang pagkakataon -- ang bagong sprint champion sa katauhan ni Elaine Thompson.

Sumagitsit ang 24-anyos mula sa simula hanggang sa huling ayuda ng karera para dominahing ang mga karibal, kabilang ang kababayan na si Shelly-Ann Fraser-Pryce – nagtatangka para sa makasaysayang three-peat sa Olympic sprint race.

“When I crossed the line and glanced around to see I was clear, I didn’t quite know how to celebrate,” pahayag ni Thompson matapos makuha ang gintong medalya sa 100-meter sprint sa bilis na 10.71 segundo.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nakuntento si Fraser Pryce sa bronze medal.

Bilang simbolo ng paggalang sa bagong reyna, mismong si Fraser Pryce ang naglagay ng bandila ng Jamaica sa balikat ni Thompson na sinalubong ng palakpakan at hiyawan ng crowd.

Tulad sa men’s side kung saan tinitingala ng mundo si world-record holder Usain Bolt, patuloy ang dominasyon ng Jamaica sa distaff side. Napabilang si Thompson sa listahan ng Jamaican Olympic champion tulad nina Merlene Ottey, Veronica Campbell-Brown at Fraser-Pryce, kampeon sa huling dalawang Olympics.

“Jamaica has so many talented sprinters,” pahayag ni Thompson.

“To be the second champion (at 100 meters), I’m really happy.”

Inaasahan ng marami na magiging dikitan ang labanan para sa titulo, ngunit minani lamang ni Thompson ang laban.

Ratsada ang Jamaicana runner sa huling 20 metro para iwan si American Tori Bowie ng .12 segundo para makamit ang titulo.

Ang 10.71 segundo na naitala ni Thompson ay .01 mas mabagal sa naitala niyang 10.70 sa Jamaica’s national championships nitong Hulyo.

“I’m just happy that Jamaica gets to keep the gold medal,” sambit ni Fraser-Pryce.

Sa men’s division, inaasahang mapapanatili pa rin ni Bolt ang kampeonato para sa Jamaica.

Magaan na umusad sa semifinal ang 30-anyos na si Bolt, magtatangka para sa Olympic triple-triple. Winalis ni Bolt ang 100 at 200 meters, gayundin ang 4x100 relay sa nakalipas na dalawang Olympics.

Naisumite ni Bolt ang tyempong 10.07 segundo, ikaapat na pinakamabilis sa heat na pinangunahan ng kanyang karibal na si American Justin Gatlin (10.01).