Adele copy copy

KUMPIRMADO nang hindi talaga magpe-perform si Adele sa 2017 Super Bowl. Tinuldukan ng British singer ang mga tabloid rumor sa kanyang tour stop sa Los Angeles noong Sabado, Agosto 13.

“First of all, I’m not doing the Super Bowl,” sabi ni Adele sa crowd ng Staples Center. “I mean, come on, that show is not about music. And I don’t really – I can’t dance or anything like that. They were very kind, they did ask me, but I said no.”

Kamakailan, ibinalita ng British tabloid na The Sun na nais ng National Football League na si Adele ang magtanghal sa halftime performance sa susunod na taon. “There is nobody bigger in the world than Adele right now and organizers are doing absolutely everything they can to try to persuade her to sign up,” sabi ng isang NFL source sa The Sun.

Totoo bang nangangamatis ang bagong tuling ‘pututoy’ kapag nakita ng babae?

Noong nakaraang Oktubre, inilabas ng singer ang kanyang comeback hit na Hello. Kasalukuyan siyang nasa sold-out world tour niya para sa promo ng kanyang ikatlong studio album na 25, na sampung linggong naging No. 1 sa Billboard 200.

(Yahoo Celebrity)