BATON ROUGE, LA. (Reuters/AP) — Patuloy ang pagbuhos ng napakalakas na ulan sa Gulf Coast ng US na nagdulot ng matinding baha sa ilang bahagi ng Louisiana na ngayon lamang nasaksihan, sinabi ni Governor John Bel Edwards nitong Sabado. Tatlong katao na ang namatay.

Naglabas ang National Weather Service ng babala ng baha sa ilang bahagi ng timog silangang Texas hanggang Linggo ng gabi at pinalawig ang babala ng flash flood sa kanluran ng Louisiana hanggang Linggo ng umaga.

Ayon kay NWS meteorologist Andrew Tingler, mahigit 20 pulgada (51 cm) ng ulan ang bumuhos sa Louisiana nitong Sabado.

Nagdeklara si Gov. Edwards ng state of emergency sa Louisiana dahil sa “historic” na baha. Ayon sa kanya, maging ang kanyang pamilya ay napilitang lumikas sa Governor’s Mansion nang umabot hanggang dibdib ang tubig sa basement at naputol ang kuryente na hindi pa nangyari sa nakalipas. Lumipat sila sa pasilidad ng pulisya sa Baton Rouge area.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

Mahigit 1,000 katao na ang nasagip ng emergency workers na naipit sa kabahayan, sasakyan at punongkahoy habang patuloy ang pag-apaw ng mga ilog sa katimogan ng estado.

Sinabi ni Edwards na mas malala ang baha ngayon kaysa noong Marso, nang apat katao ang namatay at libu-libong kabahayan ang nasira sa Louisiana at Mississippi.

“This is unprecedented,” ani Edwards, at pinayuhan ang mga residente na sumunod sa mga babala. “Please don’t rely on your experiences in the past.”