Isang tindera ng saging ang pinagsasaksak sa loob ng kanyang tindahan sa Quezon City nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang biktimang si Noel Lopez, 22, stay-in vendor sa isang tindahan ng saging sa loob ng Romarosa Town Homes sa kahabaan ng Samat Road sa Barangay Holy Spirit.

Base imbestigasyon, bibili sana ng saging kay Lopez ang isang Luis Loristo ngunit nadiskubre niyang sarado ang tindahan.

Nang silipin ang loob ng tindahan, laking-gulat umano niya nang makitang duguang nakabulagta si Lopez at agad humingi ng saklolo. (Vanne Elaine P. Terrazola)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20